Aming Amang Diyos,Maraming salamat po sa matagumpay na pagtatapos ng aming programa. Salamat sa Iyong patnubay, sa mga taong naging bahagi nito, at sa mga biyayang aming natanggap. Nawa'y ang mga aral at karanasang nakuha namin ngayon ay magsilbing inspirasyon sa aming buhay. Patuloy Mo po kaming gabayan at pagpalain sa aming mga susunod na gawain. Ibinabalik namin sa Iyo ang lahat ng papuri at pasasalamat.Amen.