Hindi totoo na ang pag-ungol o pag-alulong ng aso ay palatandaan na may nakikitang kamatayan o ang tinatawag na "Grim Reaper." Ayon sa siyensiya, ang mga aso ay may matinding pandinig at pang-amoy. Maaaring sila'y umuungol, umaalulong, o tumatahol dahil may naamoy silang tao, hayop, o nakarinig ng kakaibang tunog. Maaaring din silang makaramdam ng pagbabago sa kilos ng mga tao. Kaya nag-aasal sila ng kakaiba. Ang paniniwalang ito ay bahagi lamang ng pamahiin at walang siyentipikong basehan.