Isa rito ay ang powder puff para sa paglalagay ng polbo sa mukha. Hindi lamang babae ang gumagamiit nito kahit na kadalasan sila ang mayroon nito. Ang paglalagay ng polbo sa mukha ay hindi exclusive sa babae. Patio ang mga lalaki ay gumagamit nito at minsan kailangan pa nga dahil sa klima ng Pilipinas kung saan mabilis na magmantika ang mukha. Mainam din gumamit ng powder puff para hindi rektang hawakan ang mukha at hindi mailipat ang anumang dumi o baktirya na nasa kamay papunta sa mukha.