Oo, ginagamit ang dahon ng bayabas. Maaring dikdikin ang malinis na usbong ng bayabas at ilagay sa sugat. Ang iba naman ay nagpapakulo nito at ginagamit na panlinis ng sugat ang katas o pinagpakuluan. May natural antiseptic properties ang dahon ng bayabas. Ayon sa mga pag-aaral, ang guava leaves ay may antibacterial at anti-inflammatory components tulad ng quercetin at tannins na tumutulong sa pag-iwas sa impeksyon at pagpapabilis ng paghilom ng sugat.