Mga Proyekto ni Ferdinand Marcos Sr.San Juanico Bridge – naging tulay ng Samar at Leyte, pero pinaboran ang cronies sa construction contract.Bataan Nuclear Power Plant – hindi nagamit dahil sa isyu ng korapsyon at kaligtasan; kinitaan ng cronies.Cultural Center of the Philippines – nagpakita ng sining, ngunit ginamit din para sa propaganda.Mga Nakinabang sa Mga ProyektoImelda Marcos (as First Lady)Mga cronies gaya nina Danding Cojuangco, Roberto Benedicto, at Lucio Tan.Nakilala ang pamamahala ni Marcos Sr, hindi lamang dahil sa martial law, kundi dahil sa pagiging isang kleptocracy. Ito ay sistema ng pamahalaan kung saan ang mga namumuno ay nagnanakaw sa kaban ng bayan para sa sariling interes. Sa panahon ni Marcos, ginamit ang kapangyarihan para magkamal ng yaman habang naghihirap ang mamamayan. Isa sa paraang nangyari ito ay sa pamamagitan ng pagkakaroon ng maraming mga proyekto sa pagtatayo o proyektong agrikultura kung saan ini-award ito sa mga kalapati na kaibigan at kamag-anak kahit na hindi sila kuwalipikado. Ang mga proyekto ay may sobra-sobrang budget kung saan karamihan ay naibubulsa ang puhunan. Sa kalaunan, ang proyekto ay hindi kapaki-pakinabang sa mga tao at nakadagdag pasakit dahil kinailangan bayaran ng mga susunod na henerasyon sa pamamagitan ng taxes.