Ang sales promodiser ay isang empleyado na may tungkulin sa pagpo-promote at pagbebenta ng produkto sa loob ng tindahan. Sila ang mga taong nakikita sa mga grocery, department store, o appliance center na nagpapaliwanag ng produkto at tumutulong sa customer.Tungkulin ng Mga Sales PromodiserSila ang frontline ng brand sa loob ng store.Tumutulong sila sa pagpapataas ng benta sa pamamagitan ng demo at promos.Sumasagot sila sa tanong ng mga customer at nagbibigay ng tamang impormasyon sa produkto.Nagmo-monitor din sila ng stock at display.Mga Negosyong Nangangailangan ng Sales PromodiserGrocery at supermarkets (food and beverage brands)Electronics (TV, gadgets, appliances)Cosmetics at personal care productsClothing or shoes sa department storesSila ang tulay ng brand at customer kaya mahalaga ang kanilang papel sa sales at marketing.