Kung nakagat o nakalmot ng hayop at hindi nakumpleto agad ang anti-rabies vaccine sa loob ng tamang schedule, maaaring hindi sapat ang proteksyon ng katawan. Delikado ito kung ang hayop ay positibo sa rabies dahil walang lunas ang rabies kapag lumabas na ang sintomas. Agad na kumonsulta sa health center para ma-assess kung dapat ulitin ang bakuna.Kung ang pusa naman ay hindi nabakunahan o hindi natapos ang bakuna, at ito ay nakakagat, posibleng taglay nito ang virus. Kailangang obserbahan ang pusa ng 10 araw. Kung ito ay naging agresibo, naglalaway, o namatay, i-report agad sa vet. Mahalaga ang updated na rabies vaccination para sa alagang hayop.