Ang tawag dito ay reflex action. Ang reflex ay ginagawa mo kaladasan ng hindi namamalayan dahil ito ay natural sa ating kalikasan. Hindi na ito kailangan pag-isipan. Minsan din ay kapag ginagawa mo ito ng ilang ulit na, nagiging "muscle memory" ito at alam na agad ng katawan mo ang gagawin. Bigyan kita ng halimbawa, kapag sa umaga ay kailangan mo maligo at ang unang buhos ay napakalamig na tubig, ang nakasanayan o normal na reaksyon ay biglang mamaluktot at paliitin ang sarili. Ito ay dahil natural na reaksyon ng ating katawan na iwasan ang isang bagay na hindi komportable.