Sa Family Development Sessions (FDS), natutunan namin ang kahalagahan ng pagiging responsable sa pamilya, tamang pagpapalaki ng anak, at ang papel ng edukasyon sa pag-angat sa buhay. Sa Youth Development Sessions (YDS), natutunan ng kabataan ang tungkol sa leadership, disiplina, respeto sa magulang, at pag-iwas sa bisyo. Pareho itong tumutulong sa pagbubuo ng mas matatag at maayos na pamayanan.