Lapis ang materyales na ginagamit sa pagguhit na may iba't ibang uri ng tigas. Mayroong H (hard), B (black), at HB (hard black). Ang H pencils ay para sa malinis at manipis na linya, habang ang B ay para sa madilim at malambot na linya. Ang HB ay nasa gitna at madalas gamitin sa regular na pagsusulat at sketching.