Ang ating kalawakang araw (solar system) ay binubuo ng walong planeta: Mercury, Venus, Earth, Mars, Jupiter, Saturn, Uranus, at Neptune. Bukod dito, mayroon ding mga asteroid, kometa, at meteor.Ayon sa pag-aaral, mayroong humigit-kumulang 202 planeta sa labas ng ating solar system na mas malaki pa sa Jupiter. May mga planeta rin na natagpuan sa pulsar o patay na bituin, at may ilang kasinglaki ng Neptuno.Isang halimbawa ay ang planetang umiikot sa pulang dwendeng bituin na tinawag na Gliese 876, na malamang ay may mga kondisyon na maaaring tirahan. Patuloy ang pagdiskubre ng mga bagong planeta gamit ang makabagong teknolohiya.