Dapat Gawin Bago Dumapo ang KalamidadAlamin ang emergency hotlines tulad ng NDRRMC, Bureau of Fire Protection, at PNP.Gumawa ng emergency plan para sa pamilya.Maghanda ng emergency go-bag na may pagkain, tubig, gamot, flashlight, at radio.Makinig sa balita para sa updates.Dapat Gawin Kapag may Paparating na BagyoItali ang bubong at tanggalin ang mga bagay na pwedeng liparin ng hangin.Putulin ang sanga ng puno na maaaring bumagsak.Ilikas ang alagang hayop sa ligtas na lugar.Ihanda ang evacuation bag at lumipat agad kung kinakailangan.