Bilang magulang, ang una kong hakbang ay ang maging mabuting halimbawa. Kapag ang mga anak ay nakikita na may respeto ako sa iba, marunong akong makinig, at sumusunod sa tamang asal, ito ay madaling nilang tularan.Gagamit din ako ng mga kuwento at aktwal na sitwasyon upang maipaliwanag ang mga aral. Halimbawa, ituturo ko kung bakit mahalagang magsabi ng “po” at “opo”, tumulong sa gawaing bahay, at maging matapat sa lahat ng pagkakataon. Gagawin ko rin itong masaya at natural sa aming pang-araw-araw na gawain.Hindi dapat puro sermon, kundi may kasamang pag-unawa, gabay, at pagmamahal. Sa ganitong paraan, ang anak ko ay matututo ng kagawian na dala-dala niya hanggang pagtanda.