HotelInfantesAgres - Bawat tanong, may sagot. Logo

In Edukasyon sa Pagpapakatao / Junior High School | 2025-06-03

Pakikipagkapwa sa sariling mga anak

Asked by rieiririei1302

Answer (1)

Mahalagang ituro ang pakikipagkapwa sa sariling anak para matuto silang makisama, maging magalang, at responsable sa pakikitungo sa ibang tao.Maituturo ito sa anak sa pamamagitan ng halimbawa. Kapag may respeto ang mga magulang at nakatatanda sa isa't-isa, kahit na sa mga mas bata sa kanila, ito ay gagayahin ng isang bata. Ang paglutas ng mga problema sa pamamagitan ng pag-uusap at pakikinig sa isa't-isa sa halip na pagsisigawan at pagdadabog ay magpapakita ng mabuting halimbawa sa anak na ang komunikasyon ay mahalaga sa anumang sitwasyon. Sa gayon, sila ay matututong makipag-usap nang may kahinahunan at magkaroon ng pagpipigil sa sarili.Ang pagtulong sa iba at pagpapasalamat sa anumang matanggap ay isang paraan din para makita ng mga anak ang kahalagahan ng bawat tao sa tahanan. Mahalagang makita ng mga anak na anuman ang posisyon mo bilang isang miyembro ng pamilya, walang masama sa pagtulong at paghingi nito. At gayundin naman ay dapat silang masanay na maging mapagpasalamat upang hindi sila pagsawaan ng iba.

Answered by fieryopal | 2025-06-10