Wala naman masama sa pagkain ng seafood kapag ikaw ay nagpapagaling o may sugat. Ang kaso nga lang ay may iilang mga tao ang may seafood allergy. Kung ang iyong katawan ay mahina dahil sa pagkakasakit, maaring madali na ma-trigger nito ang allergic reaction. Ang ilang uri ng seafood, lalo na ang maaalat o shellfish, ay maaaring magdulot ng allergy o iritasyon sa sugat.Para sa mabilis na paggaling, mas mainam ang pagkain ng masustansiyang pagkain tulad ng gulay, prutas, itlog, at sabaw gaya ng tinola.