Mahal kong inahan/amahan,Bilang mga magulang ng batang benepisyaryo, kayo po ang una nilang guro at gabay. Huwag po nating sayangin ang oportunidad na binibigay ng mga programang tulad ng 4Ps. Siguraduhin po nating pumapasok ang ating anak, sumusunod sa mga check-up, at lumalahok sa mga Family Development Sessions.Hindi lang pera ang layunin ng programa kundi ang paghubog ng mas maayos na kinabukasan para sa ating mga anak. Nasa ating kamay po ang kanilang tagumpay.