Ang pagpapakita ng mabuting kilos sa anak ay ginagawa sa pamamagitan ng,Pagiging mabuting huwaran – Ipinapakita ng magulang ang disiplina, kabaitan, at respeto na maaaring tularan ng bata.Pagpapakinig sa anak – Sa halip na palaging utos, makinig din sa kanyang saloobin.Pagbibigay ng papuri sa tamang asal – Halimbawa, “Ang galing mo anak na tumulong sa lola. Ipagpatuloy mo ’yan.”Pagpapasensya – Sa tuwing nagkakamali sila, paliwanag at paggabay ang ibinibigay, hindi sigaw o pananakit.Sa ganitong paraan, natututo ang anak mula sa mabuting halimbawa at hindi sa takot.