Ang tribong Manobo ay isa sa mga sinaunang katutubong grupo sa Pilipinas, partikular sa Mindanao. Kilala sila sa kanilang mayamang kultura, pananamit, musika, at paniniwala.PinagmulanPinaniniwalaang ang mga Manobo ay kabilang sa Austronesian migrants na unang nanirahan sa kabundukan ng Mindanao. Sila ay may sariling wika, paniniwala sa espiritu, at pamahalaang barangay noon pa man.Pakikipag-ugnayan sa ibang grupoAng Manobo ay may palitan ng produkto sa mga Muslim at Kristiyanong grupo. May mga pagkakataon ding sila ay napilitang lumikas dahil sa giyera, pagmimina, o pang-aagaw ng lupa ng mga dayuhan at mayayamang pamilya.Pangyayaring humubog sa kasaysayan nilaPananakop ng Kastila, Amerikano, at Hapones na nagtulak sa kanila sa mas malalayong lugar.Panibagong hamon ng modernisasyon, pagmimina, at conversion ng lupaing ninuno.Paglaban para sa karapatan sa ancestral domain (tulad ng IPRA Law na nagbibigay sa kanila ng karapatang panglupa).