Mahalagang purihin ang bata sa harap ng iba upang mapalakas ang kanyang tiwala sa sarili at ma-encourage siyang ulitin ang mabuting gawain. Ngunit kailangang tiyakin na ang papuri ay,Tapat – Hindi labis o gawa-gawa, kundi batay sa totoo.Tama ang timing – Sa tamang oras at sitwasyon, upang hindi magmukhang pagyayabang.Tinuturuan ng halaga – Halimbawa, “Ang galing mo sa pagtulong sa lola kanina, sana patuloy mong gawin ’yan.”Ang epekto nito ay positibo. nagkakaroon ang bata ng kumpiyansa, motibasyon, at magandang pag-uugali sa harap ng ibang tao. Nagiging halimbawa rin siya sa ibang bata.