Nakatulong ang 4Ps sa pagtupad ko ng mga pangarap dahil naging tuloy-tuloy ang pag-aaral ko. Hindi na kailangang huminto sa pag-aaral kahit gipit, kasi may pambili ng gamit at pamasahe. Bukod pa roon, natuto ako sa mga seminar ng 4Ps tungkol sa tamang disiplina at pag-iipon, kaya mas naging determinado akong tapusin ang pag-aaral ko at maiahon sa hirap ang pamilya ko.