Ang 4Ps o Pantawid Pamilyang Pilipino Program ay nakakatulong sa amin sa pamamagitan ng buwanang càsh grant na ginagamit namin sa pagkain, pamasahe, at gamot. Dahil sa 4Ps, mas madalas na akong nakakapasok sa paaralan kasi may pambili na ng school supplies at pamasahe. Malaking tulong din ito sa nanay ko kasi may paalala ang programa tungkol sa pagpapacheck-up at tamang nutrisyon.