Sa insidente ng pananghalian, ipinakita na ang simbahan ay may mataas na kapangyarihan at impluwensya sa lipunan. Nang dumating si Padre Damaso, kahit huli at bastos ang asal, siya pa rin ang pinakabinigyan ng pansin. Ang mga panauhin ay nagbigay galang sa kanya, at hindi siya pinuna sa kanyang asal.Ipinapakita nito na ang simbahan ay may pribilehiyo sa lipunan, at ang mga prayle ay ginagalang kahit hindi sila tama. Pinapakita rin dito ang takot ng mga tao sa simbahan, na kahit sa simpleng handaan, ay nangingibabaw ang kanilang presensya.