Ang spoiled child ay nasanay na lagi siyang nasusunod kaya kapag may humadlang sa gusto niya, ginagamit niya ang manipulation bilang paraan para makuha ang gusto. Halimbawa, nagsusumbong siya sa maling paraan, gumagawa ng kwento, o ginagamit ang yaman o impluwensiya ng magulang.Dahil hindi siya napagsabihan o nadisiplina ng maayos, iniisip niya na normal lang ang manakit, manakot, o manliit ng iba. Sa bandang huli, ang kakulangan sa tamang gabay at limitasyon mula sa magulang ang nagtutulak sa kanya sa ganitong asal.