Ang sakramento ng kumpil o komperma ay ang pagpapatibay ng biyaya ng Binyag. Sa kumpil, ang isang binyagang Katoliko ay tinatanggap ang Espiritu Santo sa mas malalim na paraan upang maging ganap na miyembro ng simbahan. Isa ito sa pitong sakramento ng simbahan at karaniwang ginagawa ng mga kabataang Katoliko. Kasama rito ang pagpapahid ng langis (krisma) at dasal ng obispo.