Ang pangunahing layunin ng “El Verdadero Decálogo” o “Ang Tunay na Dekalogo” ni Apolinario Mabini ay upang magturo ng tamang prinsipyo at asal sa mga Pilipino bilang paghahanda sa pagtatag ng isang malaya at makatarungang bansa. Nais ni Mabini na ihanda ang isipan at puso ng mga mamamayan upang maging karapat-dapat sa kalayaan—hindi lamang sa pamamagitan ng armas kundi sa pamamagitan ng dangal, pagkamamamayan, at disiplina.Layunin din nitong,Iangat ang moralidad ng bawat Pilipino – sa pamamagitan ng paghubog ng pag-uugali at kaisipan na maka-Diyos, makatao, at makabayan.Pagtibayin ang pagkakakilanlan bilang isang bansa – Itinuro ni Mabini na ang tunay na pagkakaisa ay hindi lamang batay sa lahi kundi sa pagkakapareho ng layunin at prinsipyo.Itaguyod ang pananagutan sa bayan at kapwa – Mahalaga sa kanya ang pananagutan ng bawat isa sa pag-unlad ng bansa at hindi umasa lamang sa iilan.Maging batayan ng pamahalaan – Ang Dekalogo ay nagsisilbing gabay para sa mga mamumuno sa bagong pamahalaan matapos ang rebolusyon.Sa madaling salita, ang Dekalogo ay hindi lamang listahan ng utos kundi manwal ng pagkatao ng isang tunay na Pilipino sa panahon ng pagbabago.