Ang ikalawang modelo ng ekonomiya ay tinatawag na paikot na daloy ng ekonomiya (two-sector model). Two-Sector Model ng EkonomiyaAng sambahayan ang nagbibigay ng mga salik ng produksiyon tulad ng paggawa (labor).Ang bahay-kalakal naman ay gumagamit ng mga salik na ito upang lumikha ng produkto o serbisyo.Kapag binayaran ng bahay-kalakal ang sambahayan, ang kita (sweldo, renta, tubo) ay bumabalik sa sambahayan, na siya namang bumibili ng produkto mula sa bahay-kalakal. Paikot ito dahil umiikot lang ang kita at produkto sa dalawang sektor.