Ang taong sakim sa pagkain ay taong hindi marunong magbahagi at gustong kunin o kainin lahat kahit hindi niya kayang ubusin.Halimbawa, Kapag may handaan at isang tao ang kumukuha ng sobrang daming ulam at dessert para lang sa sarili niya, kahit alam niyang marami pa ang wala, maituturing siyang sakim.Ang kasakiman ay isang masamang ugali. Mas mainam ang pagiging mapagbigay at marunong maghintay at magbahagi sa iba, lalo na sa pagkain na dapat pinagsasaluhan.