Ang Kartilya ng Katipunan ang pinaka-kilala sa mga isinulat na prinsipyo ng kilusan ni Bonifacio. Bagamat si Emilio Jacinto ang may-akda, ito ay ginamit sa Katipunan na pinamunuan ni Bonifacio. Itinuturo nito ang pagiging marangal, tapat, makabayan, at may malasakit sa kapwa.