Ang capitalist system ay isang sistema kung saan ang pribadong tao o kumpanya ang may-ari ng mga negosyo at produkto, at ang layunin ay kita. Ang sistema o negosyo ay itinayo para sa layunin na kumita at magpalago ng pera. Hindi pangunahin sa sistema ang kapakanan ng publiko o ng mga manggagawa kung ito ay makasasagabal sa paglaki ng kita.Ang free market system naman ay isang uri ng kapitalismo kung saan walang o kaunting kontrol mula sa gobyerno. Ang presyo at suplay ay dinidiktahan ng kasalukuyang supply at demand. May kompetisyon sa pagitan ng mga negosyo, kung kaya ang mga mamimili ay may kalayaan na pumili at maari silang makakuha ng magandang presyo.