Ang Tacloban ay isang lungsod sa rehiyon ng Eastern Visayas (Region VIII), at kabisera ng Leyte. Dati itong kilala bilang isang maliit na barangay na bahagi ng Palo. Noong panahon ng Kastila, ito ay naging mahalagang daungan sa pakikipagkalakalan.Noong 1770, ginawang opisyal na bayan ang Tacloban.1942–1944, ito ay nasakop ng mga Hapones.Noong World War II, ito ang naging pansamantalang kabisera ng Pilipinas sa ilalim ni Pangulong Sergio Osmeña.2013, lubhang naapektuhan ang Tacloban ng Super Typhoon Yolanda, isa sa pinakamalalakas na bagyong tumama sa bansa.Ngayon, kilala ang Tacloban bilang sentro ng edukasyon, kalakalan, at kultura sa rehiyon ng Silangang Kabisayaan.