Ang tawag sa nararanasan mo ay constipation. Hindi ka dapat mahiya kapag nangyari ito. Kailangan mong bantayan kung ito ba ay magpapatuloy para hindi ito mauwi sa malalang kaso. Kapag constipated ka, mayroon naman nabibiling mga gamot na over-the-counter lang sa mga botika. Siguraduhin mo rin na umiinom ka ng sapat na tubig at kumakain ng pagkain na mataas sa fiber araw-araw.Paano Maiiwasan ang Constipation1. Uminom ng maraming tubig – 8–10 baso bawat araw.2. Kumain ng pagkain na mayaman sa fiber – prutas, gulay, whole grains.3. Mag-ehersisyo – Nakakatulong ito sa paggalaw ng bituka.4. Gumamit ng natural na laxative – gaya ng prun juice o aloe vera juice.5. Mag-relax at huwag ipilit masyado – Baka lalong mairita ang bituka.6. Kung hindi pa rin maayos – Magpakonsulta sa doktor. Baka may mas seryosong dahilan.