Ang amino acid ay isang organic compound na may central carbon atom na may nakakabit na amino group (–NH₂), carboxyl group (–COOH), hydrogen atom, at isang R group (na nag-iiba-iba sa bawat amino acid). May 20 uri ng amino acids at ang pagkakasunod-sunod at komposisyon ng mga ito ang nagdidikta sa uri ng protein na mabubuo.Dahil dito, tinatawag ang amino acids na "building blocks" ng proteins. Kapag pinagdikit-dikit sila sa pamamagitan ng peptide bonds, bumubuo sila ng polypeptide chains na kalauna’y nagfo-fold upang maging functional protein.Sa anatomy at physiology, mahalagang pag-aralan ang amino acids dahil sila ang bumubuo sa muscles, enzymes, hormones, at antibodies. Kung kulang ang amino acids sa katawan, maaaring humina ang immune system, metabolism, at tissue repair.