Ang white elephant projects ay mga proyektong malaki ang ginastos ngunit hindi naging kapaki-pakinabang sa mamamayan. Isa sa mga kilalang halimbawa ay ang Bataan Nuclear Power Plant noong panahon ni Marcos Sr. Umabot sa higit $2 bilyon ang nagastos dito ngunit hindi man lang ito napagana dahil sa isyu ng kaligtasan at katiwalian.Mahalagang aral mula rito ay ang tamang pagpaplano at konsultasyon bago magsimula ng malalaking proyekto. Hindi sapat na magtayo lamang ng gusali kung hindi ito gagamitin o hindi ito ang kailangan ng tao. Bukod pa rito, dapat ay may transparency at accountability para masigurong hindi masasayang ang pera ng bayan.Ang pagkakaroon ng matalinong pamahalaan at masigasig na pagbabantay ng mamamayan ang susi upang maiwasan ang ganitong uri ng proyekto sa hinaharap. Ang buwis ay dapat gamitin sa mga proyektong tunay na may pakinabang sa komunidad.