Ang kampanya ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III laban sa korupsyon ay nakatulong sa pag-angat ng imahe ng Pilipinas bilang isang bansa na seryosong isinusulong ang mabuting pamamahala. Sa ilalim ng kanyang Daang Matuwid policy, pinalakas ang mga ahensyang nagsisiyasat ng katiwalian tulad ng Ombudsman at Commission on Audit.Dahil dito, tumaas ang credit rating ng Pilipinas mula sa mga international financial institutions, na siyang nagpapakita ng kumpiyansa ng mga dayuhang mamumuhunan. Dumami rin ang foreign direct investments dahil nakita ng mga negosyante na ang gobyerno ay may tunay na pagsisikap na maging tapat at maayos sa paghawak ng pondo.Gayunpaman, may mga limitasyon din ang kampanya dahil may mga opisyal pa rin na nasangkot sa katiwalian. Ngunit hindi maikakaila na sa panahon ni Aquino, muling nabuhay ang tiwala ng maraming Pilipino at dayuhan sa kakayahan ng gobyerno na labanan ang korupsyon.