Ang pagtupad sa pangako ay mahalagang pundasyon ng tiwala. Kapag ang magulang ay tumutupad sa pangako sa kanilang anak, natututo ang bata ng kahalagahan ng salita at paninindigan. Halimbawa, kung nangako ang magulang na tutulungan sa assignment tuwing gabi, dapat gawin ito. Sa ganitong paraan, nagkakaroon ng positibong ugali ang bata sa pag-aaral at disiplina.Ang pagbabago ng nakasanayan tulad ng pagbabalewala sa takdang-aralin ay nagsisimula sa pagsama ng magulang sa kanilang anak sa pag-aaral. Ang sabay na pagbabasa o pagsagot sa module ay hindi lamang pagtuturo kundi pagmumulat sa bata na mahalagang may kaakibat na gabay ang edukasyon.Bilang isang magulang na katuwang sa pag-aaral, ang pagtupad sa pangako ay paraan ng pagiging mabuting halimbawa. Kapag nakikita ito ng mga anak, mas madali para sa kanila na tularan ito at magpursige sa buhay.