Ang meiosis ay isang uri ng cell division na ginagamit sa paggawa ng sperm at egg cells. Dito, ang resulta ay apat na daughter cells na may tig-23 chromosomes lang, kalahati ng karaniwang bilang. Naiiba ito sa mitosis dahil sa meiosis, may dalawang sunod na division (meiosis I at II) at may “genetic variation” sa mga anak na cells. Sa mitosis, dalawang identical na cells ang nabubuo.