Mabubuntis pa pag Nilabas sa Loob?Oo, posibleng mabuntis ang isang babae kung nailabas ang semilya o tamød sa loob ng kaniyang ari (vagina). Kapag ang semilya ay naipasok sa loob, may taglay itong milyon-milyong sperm. Ang mga sperm na ito ay kayang lumangoy papunta sa matres (uterus) at hanapin ang egg cell ng babae. Kapag may ovulation o may egg cell na handang ma-fertilize, maaaring magdulot ito ng pagbubuntis.Kaya kahit isang beses lang mailabas sa loob, at sakto ito sa panahon ng fertile days o ovulation, may posibilidad na mabuntis.Ang tamang kaalaman tungkol sa kung paano nagkakaroon ng pagbubuntis ay makatutulong sa kabataan na tulad natin para gumawa ng responsableng desisyon. Mahalaga ring pag-usapan ang paggamit ng proteksyon tulad ng condom o family planning methods para maiwasan ang hindi inaasahang pagbubuntis at sexually transmitted infections (STIs).Ang edukasyon sa ganitong usapin ay hindi malaswa. Ito ay bahagi ng pag-iingat, respeto sa sarili, at pagiging responsable.