Ang ATP o adenosine triphosphate ay tinaguriang “energy currency” ng selula. Para itong pera na ginagamit ng katawan para gumalaw, mag-isip, tumunaw ng pagkain, at magparami ng cells. Lahat ng aktibidad sa loob ng selula—maliit man o malaki—ay nangangailangan ng ATP.Kahalagahan ng ATPPinagkukunan ito ng enerhiya para sa active transport, tulad ng pagpapaandar ng sodium-potassium pump.Ginagamit sa paggawa ng bagong proteins, DNA, at cell division.Tumutulong sa paggalaw ng kalamnan at nerve signaling.Kung walang ATP, parang cellphone na wala nang baterya — hindi gagalaw ang anumang bahagi ng cell. Kaya napakahalaga ng mga proseso gaya ng glycolysis sa patuloy na paggawa nito.Ang ATP ay binubuo ng tatlong bahagi: adenine (isang base), ribose (asukal), at tatlong phosphate groups. Ang ugnayan sa pagitan ng mga phosphate ay may mataas na enerhiya. Kapag naputol ang isa sa mga phosphate bond, naglalabas ito ng enerhiya na ginagamit ng cell.Pagbuo ng ATP sa Glycolysis1. Glucose EntryPumasok ang isang molecule ng glucose (asukal mula sa pagkain) sa loob ng cell.Ang glucose ay may 6 carbon atoms.2. Activation (Gumamit ng 2 ATP)Ginamitan muna ng 2 ATP (parang puhunan) para maging aktibo ang glucose.Nabago ang glucose at naging fructose-1,6-bisphosphate.3. Pag-hati ng GlucoseHinati sa gitna ang fructose-1,6-bisphosphate para makabuo ng dalawang 3-carbon molecules.Ang tawag sa dalawang ito ay G3P (glyceraldehyde-3-phosphate).4. Energy Extraction (Gawa ng ATP)Ang bawat G3P ay dumaan sa isang serye ng chemical reactions kung saanNabuo ang NADH (isang energy carrier).Nabuo ang 4 ATP sa kabuuan (2 mula sa bawat G3P).5. Final ProductSa dulo ng proseso, ang bawat G3P ay naging pyruvate.Kaya may dalawang pyruvate molecules na nabuo mula sa isang glucose.Ang net ATP na nalilikha sa glycolysis ay dalawang ATP molecules. Kahit maliit, mahalaga ito lalo na sa mga sitwasyon na walang oxygen tulad ng matinding ehersisyo. Sa ganitong sitwasyon, hindi gumagana ang mas advance na energy-making pathways gaya ng Krebs cycle at electron transport chain, kaya glycolysis lang ang maaasahan.