HotelInfantesAgres - Bawat tanong, may sagot. Logo

In Biology / Senior High School | 2025-05-29

Paano naaapektuhan ng mga sakit o pinsala ang nervous tissue, at ano ang mga posibleng epekto nito sa katawan?

Asked by lendskie5822

Answer (1)

Epekto ng Pinsala sa Nervous TissuePisikal na kahinaan o paralysis - Kapag apektado ang motor neurons, hindi na makakagalaw nang maayos ang ilang bahagi ng katawan. Halimbawa, hindi na ang osa makalakad matapos ang spinal cord injury.Problema sa pandama - Kawalan ng pakiramdam sa balat, hirap makadama ng init o sakit. Kapag nangyari ito, maaring bumagal o walang reaction ang isa sa biglaang pagbabago sa katawan nito. Kunwari ay nakahawak ang isa ng mainit na kaldero, hindi siya agad magre-react kung kaya masusunog ang kanyang balat. O di kaya ay naka-apak ang isa ng pako, hindi niya ito naramdaman kung kaya lumala ang sugat at nagka-impeksyon.Kahirapan sa pag-iisip at emosyon - Ang pinsala sa utak ay maaaring magdulot ng memory loss, pagkalito, paghina ng cognitive function, depresyon, o biglang pagbabago ng personalidad at ugali. Isang halimbawa ang traumatic brain injury na natatamo ng mga atleta o mga naaksidente sa daan, kung saan maaring nahihirapan na sila na mag-isip, umalala, o di kaya sila ay nagiging mainitin ang ulo o magagalitin.Problema sa internal organs - Kapag apektado ang autonomic nervous system, puwedeng magbago ang tibok ng puso, paghinga, o digestion. Seizures o kombulsiyon - Ang abnormal na electrical activity sa utak ay siyang dahilan kung bakit ang ilan ay nagkakaroon ng seizures, pagkahimatay, at pagkawala ng paningin.Ang nervous tissue ay isa sa pinakaimportanteng tissue sa katawan dahil ito ang responsable sa komunikasyon, kontrol, at koordinasyon ng lahat ng bahagi ng katawan. Dahil dito, ang anumang sakit o pinsala sa nervous tissue ay may malawak at malalim na epekto.Mga Sanhi ng Nerve Tissue DamageTraumatic injury (hal. aksidente sa ulo o spine)Stroke (pagputok o pagbabara ng ugat sa utak)Neurodegenerative diseases (hal. Alzheimer’s, Parkinson’s)Infection (hal. meningitis)Autoimmune disorders (hal. multiple sclerosis)Dahil ang neurons ay hindi madaling mapalitan o mag-regenerate, napakahalaga ng pag-iingat sa nervous system. Kapag nasira ito, maaaring permanente ang epekto at makaapekto sa kalidad ng buhay ng isang tao.

Answered by MaximoRykei | 2025-05-31