Ang skeletal system ay mahalaga sa paggalaw, pero hindi ito gumagalaw mag-isa. Kailangan nito ng tulong ng muscles, joints, at tendons upang maisakatuparan ang kilos ng katawan. Sama-sama silang bumubuo ng musculoskeletal system.1. Bones bilang leverage system - Ang mga buto ay parang levers, kapag ang muscle ay humila gamit ang tendon, ang buto ay gagalaw. Halimbawa, ang humerus (upper arm bone) ay gumagalaw kapag kinokontrata ng biceps muscle2. Joints bilang pivot points - Ang joints ay kung saan nagtatagpo ang dalawang buto.Uri ng JointsBall-and-socket joint (balikat, balakang) – para sa circular motionHinge joint (siko, tuhod) – para sa bendingPivot joint (leeg) – para sa rotation3. Muscles bilang lubid - Ang skeletal muscles ang gumagalaw upang hilahin ang buto. Kinokontrol ito ng voluntary nervous system. Ang muscle ay nakakabit sa buto sa pamamagitan ng tendons.4. Tendons bilang koneksyon - Nagdudugtong ng muscle sa buto. Kapag ang muscle ay nag-contract, ang tendon ang naghahatid ng puwersa sa buto upang ito ay gumalaw.Proseso ng PaggalawAng utak ay nagpapadala ng signal sa muscleKumukontrata ang muscle → humihila sa tendon → hinihila ang buto → gumagalaw ang bahagi ng katawanAng joints ay nagbibigay-daan sa specific na galaw (hal. rotation, flexion)