Ang calcium ay mahalaga sa maraming functions ng katawan: mula sa muscle contraction, nerve function, hanggang sa blood clotting. Dahil dito, mayroong isang feedback mechanism na nagsisiguro na ang calcium level sa dugo ay laging nasa tamang antas. Ang skeletal system, partikular ang mga buto, ay may mahalagang papel dito.Negative Feedback Mechanism sa Calcium Regulation1. Kapag mababa ang calcium sa dugo, ang parathyroid glands ay naglalabas ng parathyroid hormone (PTH)Function ng PTHPinapagana ang osteoclasts na sirain ang bone matrix at maglabas ng calciumPinapataas ang calcium reabsorption sa kidneyPinapagana ang vitamin D para dagdagan ang calcium absorption sa bituka2. Kapag mataas ang calcium sa dugo ang thyroid gland ay naglalabas ng calcitonin.Function ng CalcitoninPinapahinto ang osteoclast activityPinapalakas ang osteoblasts para mag-imbak ng calcium sa butoBinabawasan ang calcium reabsorption sa kidneyPapel ng Buto sa Calcium RegulationAng buto ay parang “calcium bank” ng katawanMay kakayahang maglabas o mag-imbak ng calcium depende sa pangangailangan ng katawanKapag kulang ang calcium sa dugo, hinuhugot ito mula sa bone matrixKapag sobra, iniimbak ito sa buto sa tulong ng osteoblastsAng mga buto natin ay hindi lamang support structure, kundi bahagi rin ng endocrine at metabolic systems ng katawan. Tinutulungan nito ang katawan na manatiling balanse sa kabila ng pagbabago sa nutrisyon, aktibidad, o stress.