Ang ligaments at tendons ay parehong gawa sa dense connective tissue, ngunit may magkaibang tungkulin sa katawan. Sila ay mahalagang bahagi ng musculoskeletal system, na responsable sa paggalaw at suporta ng katawan.LigamentsNagdurugtong ng buto sa butoMatatagpuan sa mga joints (hal. tuhod, bukung-bukong)Nagbibigay ng stability at limitasyon sa galaw ng jointsHalimbawa nito ay ang anterior cruciate ligament (ACL) sa tuhodTendonNagdurugtong ng muscle sa butoMatatagpuan ito sa paligid ng mucles at jointsPinapasa nito ang puwersa mula sa pag-urong ng muscle patungo sa buto para ito ay gumalawHalimbawa nito ay ang Achilles tendon na nagdudugtong ng calf muscle sa heel bonePagtutulungan ng Ligaments at TendonKapag ang muscle ay nag-contract, ang tendon ay humihila sa buto para ito ay gumalaw.Ang ligament naman ay pinipigilan ang labis na galaw upang hindi magka-dislocation o injury.Nagtutulungan sila para sa balance ng flexibility at stability.Kapag napunit ang ligament o tendon (hal. sprain o strain), mahirap gumalaw at masakit.Mahalaga ang warm-up exercises at tamang stretching.