Ang cartilage ay isang uri ng connective tissue na matatagpuan sa iba't ibang bahagi ng katawan tulad ng ilong, tenga, larynx, at sa mga joints. Isa ito sa mga mahalagang bahagi ng skeletal system, lalo na sa mga bahagi na nangangailangan ng flexibility at cushion.Papel ng CartilageSupport at flexibility - Nagbibigay suporta ngunit mas flexible kaysa sa buto. Halimbawa, ang elastic cartilage sa tenga ay nagbibigay ng hugis ngunit kayang bumalik sa dating anyo kapag napisil.Cushioning at shock absorption - Sa joints, ang cartilage ay nagsisilbing pad upang maiwasan ang banggaan ng buto. Pinapakinis nito ang paggalaw ng kasukasuan (synovial joints).Growth template - Sa mga bata at teenager, ang cartilage ay nagsisilbing template o padron sa paglaki ng mga buto. Tinatawag itong epiphyseal plate (growth plate).Kaibahan ng Cartilage sa Bone TissueCartilageAng texture nito ay mas malambot, flexibleWalang blood vessels (avascular)Ang cells nito ay chondrocytesMabagal ang paggaling nito kapag nasiraTumutulong sa support, flexibility, shock absorptionBone TissueAng texture nito ay matigas, matibaMay rich blood supplyAng cells nito ay osteocytesMabilis itong maghilom at gumalingTumnutulong ito sa movement, mineral storage, protection, at bilang framework o support