Ang muscle tissues ay maaaring hatiin batay sa kung sila ay kusang kinokontrol ng isip o hindi. Tinatawag natin itong voluntary at involuntary muscle tissues.Voluntary Muscle TissueIto ay mga kalamnan na kaya nating kontrolin.Halimbawa nito ay ang skeletal muscle.Ito ay mga kalamnan na nakakabit sa buto tulad ng braso, binti, at likod.Kinokontrol ng utak sa pamamagitan ng somatic nervous system.Ginagamit sa paglalakad, pagsulat, pagkain, at iba pa.Involuntary Muscle TissuesHindi natin kusang kinokontrol; awtomatikong gumagana.Halimbawa nito ay ang cardiac muscle sa puso kung saan patuloy itong tumitibok, kahit tulog ang tao. Ang smooth muscle naman matatagpuan sa bituka, blood vessels, uterus, at iba pang internal organs.Kinokontrol ng autonomic nervous system na hindi natin iniisip.Pagkakaiba sa Control System ng MusclesVoluntary → Somatic nervous system (isipin pa bago gumalaw)Involuntary → Autonomic nervous system (awtomatikong gumagana)Pagkakaiba sa hitsura ng Muscle TissuesSkeletal muscle - may striations, maraming nucleiCardiac muscle - may striations at intercalated discsSmooth muscle - walang striations, single nucleus