Ang adipose tissue ay isang uri ng connective tissue na pangunahing binubuo ng adipocytes o fat cells. Bagamat kadalasang iniiwasan ang “taba” sa katawan, ito ay may mahalagang gampanin sa kalusugan.Fucntion ng Adipose TissueEnergy storageAng sobrang calories mula sa pagkain ay iniimbak bilang triglycerides sa loob ng adipocytes.Kapag kailangan ng katawan ng enerhiya, kinukuha ito mula sa nakaimbak na taba.Mas maraming energy per gram ang fat kaysa sa carbohydrates o protein.Proteksyon at CushioningAng adipose tissue ay nakapuwesto sa paligid ng internal organs gaya ng kidney, atay, at puso.Tumutulong ito na i-absorb ang impact kapag may biglaang paggalaw o trauma.Insulation at Temperature RegulationPinapanatili ng taba ang init ng katawan lalo na sa malamig na kapaligiran.Sa ilalim ng balat (subcutaneous fat), gumaganap ito bilang panangga laban sa lamig.Mga Uri ng Adipose TissueWhite adipose tissue – pangunahing uri; para sa energy storage at insulation.Brown adipose tissue – mas aktibo sa energy burning; mahalaga sa mga sanggol sa temperature control.Sa tamang dami, ito ay nakatutulong sa kalusugan. Ngunit sa sobrang dami, maaaring magdulot ito ng obesity, type 2 diabetes, at heart disease.