Ang nervous tissue ay may pangunahing layunin: ang pagpadala, pagtanggap, at pagproseso ng mensahe sa buong katawan. Dalawang Bahagi ng Nervous TissueNeurons ang nagpapadala ng electrical impulses.Mga Bahagi ng NeuronsDendrites – tumatanggap ng signalCell body – sentro ng impormasyonAxon – nagpapadala ng signal papalayoKapag may stimulus (hal. mainit na bagay), ang sensory neuron ay tumatanggap ng signal, ipinapasa ito sa utak/spinal cord, at ibinabalik ng motor neuron ang utos (hal. alisin ang kamay).Glial Cells ang mga helper o support cells. Pinoprotektahan, pinapabilis ang signal, at inaayos ang nasirang neurons.Halimbawa ng Glial CellsAstrocytes – nagbibigay sustansya at proteksyonSchwann cells – gumagawa ng myelin sa axonMicroglia – tagalinis ng cellular debrisDaloy ng Mensahe o Impulses sa Nervous TissueAng electrical signal o impulse ay tumatakbo sa axon.Sa dulo, naglalabas ito ng chemical signal (neurotransmitter) sa synapse papunta sa susunod na neuron o muscle.Ang mensahe ay maaring utos ng paggalaw, pakiramdam, o reaksyon.Kung wala ang nervous tissue, walang komunikasyon sa pagitan ng utak at katawan. Hindi tayo makakatugon sa kapaligiran, hindi gagalaw ang katawan, at hindi makokontrol ang mga organs.