Ang pseudostratified columnar epithelium ay isang uri ng epithelial tissue na mukhang maraming layer ng cells (stratified), pero sa totoo ay isang layer lang ito (simple). Tinatawag itong pseudostratified dahil hindi pantay-pantay ang taas ng mga cell nuclei, kaya mukhang maraming patong sa microscope.Lokasyon ng Mga Pseudostratified Columnar EpitheliumRespiratory tract, lalo na sa trachea at bronchiEustachian tubesMale reproductive tractEspesyal na Katangian Mga Pseudostratified Columnar EpitheliumMay cilia sa apical surface — mga hair-like structuresMay goblet cells na gumagawa ng mucusTungkulin Mga Pseudostratified Columnar Epithelium Sa Respiratory systemFiltration - Ang mucus na nililikha ng goblet cells ay sumasalo ng alikabok, usok, at mikrobyo mula sa hangin na ating nilalanghap.Transportasyon - Ang cilia ay gumagalaw kasabay ng mucus, itinutulak ito paakyat mula sa baga patungo sa lalamunan para mailuwa o malunok — tinatawag itong mucociliary escalator.Protection - Pinipigilan nitong makapasok ang dumi sa mas malalim na bahagi ng baga.Kung walang pseudostratified ciliated epithelium, madaling mapasok ng pathogens ang lungs at maaaring magkaroon ng impeksyon tulad ng pneumonia o bronchitis. Ito ang dahilan kung bakit ito mahalaga sa defense mechanism ng respiratory system.