Connective TissueAng connective tissue ay isa sa mga pangunahing uri ng tissue sa katawan na may tungkuling magdugtong, magbigay ng suporta, at magpanatili ng estruktura ng mga organs. Isa itong versatile na tissue na matatagpuan halos sa lahat ng bahagi ng katawan.Iba’t-ibang Uri ng Connective TissueLoose connective tissue – maluwag at may maraming space; ginagamit sa pagdikit ng skin sa ilalim na tissue. Halimbawa: areolar tissue.Dense connective tissue – mas maraming collagen fibers; ginagamit sa tendons (connects muscle to bone) at ligaments (connects bone to bone).Adipose tissue – naglalaman ng fat cells; nag-iimbak ng enerhiya at nagbibigay insulation.Cartilage – flexible pero matibay; matatagpuan sa ilong, tenga, at joints.Bone tissue – matigas at nagbibigay suporta at proteksyon.Blood – isang uri rin ng connective tissue na may fluid matrix (plasma); tagadala ng oxygen, nutrients, at hormones.Mga Tungkulin ng Connective TissuesSuporta – para sa muscles at organs.Pag-uugnay – ng iba't ibang bahagi ng katawan.Transportasyon – ng substances sa pamamagitan ng dugo.Pag-imbak – ng nutrients at enerhiya sa anyo ng taba.Proteksyon – laban sa impact at infection.Ang connective tissue ang “framework” o balangkas ng katawan. Ito ang nagdudugtong at nagpapatatag ng buong sistema ng katawan.