Ang enzyme ay inihahalintulad sa pagputol ng snowflake sa papel. Kung mano-manong puputulin ang snowflake, mahirap at matagal gawin. Pero kung ipu-fold muna ang papel bago gupitin, mas mabilis at maganda ang kalalabasan. Ganoon din ang enzymes — binabago nila ang hugis ng substrate upang mapabilis ang proseso ng reaksyon.