Ang induced fit model ay nagpapaliwanag kung paano nagbabago ang hugis ng enzyme kapag ito’y nakadikit sa substrate. Ang pagbabagong ito ay nakatutulong upang mailagay ang substrate sa posisyon kung saan mas madali itong maging final product. Kaya nababawasan ang energy at oras na kailangan sa reaksyon.